Hindi umano maintindihan ni PNP chief Oscar Albayalde kung bakit hindi na raw lamang dapat pasalamatan ang pagkakahalal ng bansa sa United Nations Human Rights Council (UNHRC).
Sagot ito ni Albayalde sa naging pahayag ni Magdalo Rep. Gary Alejano na isa umanong malaking kabalintunaan ang re election ng Pilipinas sa UNHRC dahil sa umano’y extra judicial killings sa bansa.
Sa panayam kay Albayalde, sinabi nito na mandato ng PNP na protektahan ang mga mamayan lalo na at institutional policy ng PNP ang karapatang pantao.
Una nang kinuwestiyon ni Alejano ang muling pag-upo ng Pilipinas sa UN rights body lalo na sa sarili nitong bansa ay may mga patayan at paglabag umano sa human rights.
Pasaring ni Albayalde sa mga kritiko na dapat sana ay magpasalamat ang mga ito dahil pabor sa bansa ang nasabing desisyon.