-- Advertisements --

DAVAO CITY – Pinayuhan ngayon ng mga doktor ang mga kalalakihan na mas mabuting magpakonsulta muna sa mga espesyalista at iwasan ang mga hakbang na maaaring pagsisihan sa huli.

Ito ay may kaugnayan sa dalawang magpinsan na lalaki na parehong residente ng Malalag Davao del Sur na nakaranas na matinding pananakit ng kanilang ari matapos itong ma-impeksiyon.

Sinasabing nagpaturok ang mga ito ng baby oil para lumaki umano ang kanilang ari ngunit hindi nila inaasahan ang naging resulta.

Una nito, hinikayat umano ang magpinsan na sina alyas Ron at alyas Jun ng kanilang kasamahan sa trabaho na magpalagay ng kemikal na pampalaki ng kanilang ari ngunit baby oil umano ang ginamit nito.

Nahihirapan ngayon ang dalawa sa sobrang sakit at gusto ng ipatanggal ang ininject na baby oil.

Umaasa na lamang ang magpinsan na may makakatulong sa kanilang kondisyon para bumalik sa normal ang kanilang buhay.

Una ng sinabi ng mga doktor na hindi maaaring iturok ang baby oil o petroleum jelly sa ari dahil magdudulot lamang ito ng malaking problema at impeksiyon.