-- Advertisements --

ILOILO CITY – Patay ang magpinsan matapos binaril ng kanilang sariling tiyuhin sa Barangay Poblacion Ilaya, Lambunao, Iloilo.

Ang mga biktima ay sina Ramil Opiane, 51, at Joven Besite, 41, habang ang suspek naman ay si Gil Casiple 63, pawang residente ng nasabing lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Major Jogen Suegay, hepe ng Lambunao Municipal Police Station, sinabi nito na nakikipag-inuman ang suspek sa tindahan ng pinuntahan ng mga biktima na lasing rin.

Dito na at nagtalo ang mga biktima at suspek dahil sa away sa lupa.

Sinakal ni Opiane ang kanyang tiyuhin dahilan upang bumunot ang suspek ng 45 kalibre na armas kung saan tinamaan ang biktima sa dibdib.

Inawat ni Besite ang mga ito ngunit binaril rin siya ng suspek sa dibdib.

Kaagad namang naaresto ang suspek at nakuha sa kanyang posisyon ang armas na ginamit nito sa krimen.

Sa ngayon, nakakulong na ang suspek sa Lambunao Municipal Police Station at nahaharap sa kasong 2 counts ng homicide.