-- Advertisements --

ROXAS CITY – Patay ang menor de edad na magpinsan matapos nalunod sa ilog sa Barangay Tuburan, Maayon, Capiz.

Kinilala ang mga biktima na sina Riana, anim na taong gulang at Rhea Mae pitong taong gulang.

Sa panayam ng Bombo Radyo Roxas sa tiyahin, sinabi nito nasa likuran lamang niya ang mga biktima at naliligo sa mababaw na bahagi ng ilog.

Nagulat na lamang ito ng hanapin ng kapatid ang dalawang bata at ng tanungin ay hindi na makita ang mga biktima sa kanyang likuran.

Kaagad nilang hinanap ang mga biktima kung saan unang nakita si Riana at huling nakita si Rhea Mae na kaagad dinala sa ospital ngunit dineklarang dead on arrival ng doktor.

Napag-alaman na mismo ang dalawang biktima pa ang nagpumilit sa kanilang mga magulang na maligo sa ilog para magkasama silang magpamilya.

Ngunit sa halip na maging maligaya sila sa kanilang pagkakasama sama ay trahedya ang dala nito sa kanilang pamilya.