-- Advertisements --

LA UNION – Patay ang magpinsan matapos matabunan ng lupa nang gumuho ang ginagawang balon na may lalim na 20 ft sa Barangay Ili Sur, San Juan, La Union.

Nakilala ang mga biktima na sina Henry Benavidez, 29, residente ng Brgy. Calumbaya, Bauang; at Elvis Lorenzo, 30-anyos, residente ng Brgy. Nagrebcan, Bauang, La Union.

Nangyari ang insidente pasado alas-3:00 kahapon, Hulyo 3.

Bago ang insidente, tumigil sa paghuhukay ang mga trabahador dahil umulan.

Nang tumila ang ulan, unang bumaba sa hinuhukay na balon ang magpinsan.

Sinasabing malambot ang lupa dahil umulan at mabuhangin pa ito dahil malapit sa dagat, na naging dahilan ng pagguho.

Unang na-retrieve si Benavidez at sinubukang i-revive sa ospital ngunit namatay din.

Habang si Lorenzo ay natagpuan lamang ang katawan matapos ang higit siyam oras na paghuhukay ng malaking backhoe.

Agad itong dinala ng ambulansiya sa pinakamalapit na pagamutan para mabigyan ng karampatang lunas ngunit namatay din.