-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Nagpapatuloy sa ngayon ang imbestigasyon ng PNP kaugnay sa nangyaring pamamaril-patay sa magpinsan sa lungsod ng Cotabato.

Ayon sa report na ipinaabot sa Bombo Radyo Koronadal, kinilala ang mga biktima na sina Arnold Chavez, 29, isang pintor at residente ng slaughter house, Barangay Rosary Heights 4; at pinsan nitong si Christopher Chavez, 36, pedikab driver na taga- Purok Jasmin, Barangay Rosary Heights 2 ng lungsod.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Cotabato City PNP, naglalakad lamang ang mga biktima sa Doña Pilar Street, Barangay Poblacion 4 pasado ala una ng madaling araw nang bigla silang pagbabarilin ng mga suspek na nakamotorsiklo gamit ang .45-caliber at .9mm pistols.

Nagtamo ng tama ng bala sa iba’t ibang katawan ang mga biktima at ideneklarang dead on the spot.

Sa ngayon, patuloy na inaalam ng PNP ang motibo at kung sino ang responsable sa pamamaril patay sa mga biktima.