-- Advertisements --

ILOILO CITY- Patay ang magpinsan matapos makuryente habang nag-aayos ng wifi sa Brgy. Buyo, Passi City, Iloilo .

Kinilala ang mga biktima na sina Jasper Siaoting, 28 anyos at Jean Lloyd Cerbo, 20 anyos.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Pol. Lt. Col. Dennis Pamonag,hepe ng Passi City PNP, sinabi nito na nag-aayos ng wifi ang mga biktima nang aksidente nilang mahawakan ang main line ng kuryente.

Dinala pa sa hospital ang mga biktima ngunit tuluyang binawian ng buhay.