-- Advertisements --

DAGUPAN CITY – Arestado ang isang 48-anyos na magsasaka mula sa San Jacinto, Pangasinan matapos nitong pagsasaksakin ang lalaking sumugod umano sa kanilang inuman.

Nakilala ang suspek na si Manuelito Rigor at residente ng Brgy. Bolo sa nabanggit na bayan.

Lumalabas sa imbistigasyon ng otoridad na sumugod umano sa kanilang inuman session ang kapwa magsasaka ng suspek.

Ikinainit umano ito ng ulo ni Rigor dahilan upang mamuo ang tensIyon sa pagitan ng biktima at suspek.

Nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa na kalaunan ay nauwi sa pagtataga ng suspek sa biktima gamit ang isang kutsilyo.

Nagtamo ang hindi na pinangalan pang biktima ng sugat sa kanyang tiyan na agad isinugod sa pagamutan.

Napag-alamang ang dalawa ay parehong nasa impluwensiya ng alak.

Agad namang naaresto ng pulisya ang suspek at nakompiska rin ang patalim na ginamit nito sa krimen.