-- Advertisements --

VIGAN CITY – Nagpapatuloy PA ang ginagawang imbestigasyon ng kapulisan sa nangyaring pamamaril at pagnanakaw sa isang tindahan sa Brgy. Poblacion Norte, Lidlidda.

Nakilala ang nasawi na si Mark Anthony Sayaan, 37, magsasaka at residente ng nasabing barangay.

Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Lt. Medward Galay, hepe ng Lidlidda PNP, dumating ang dalawang suspek sa tindahan ng biktima at bumili ng dalawang bote ng alak at nagpakilalang intel officer at nagtatanong kung may drug lord sa lugar.

Aniya, pinasok ng dalawang suspek ang tindahan at tinutukan ng baril si Liberty Sayaan at nang lumabas sa isang pinto si Mark Anthony dito na ito pinagbabaril ng suspek.

Tumakas ang dalawa at natangay ang P7,000 cash, alahas na nagkakahalaga ng P74,000 at dalawang cellphone na nagkakahalaga ng P18,000.