-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Patay on the spot ang isang magsasaka sa pamamaril sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Rogelio Pasinabao Debalid, 49 anyos, may asawa at nakatira sa Sitio Buay-Buay Barangay Basak Magpet North Cotabato.

Ayon sa ulat ng Cotabato Police Provincial Office (CPPO) na habang abala ang biktima sa kanyang sakahan sa Sitio Natayucan, Barangay Balite Magpet, North Cotabato kasama ang kanyang anak na lalaki ay bigla itong nilapitan ng dalawang hindi kilalang suspek at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Bago umalis ang mga salarin ay nagpakilala pa ito sa anak ng biktima na silay mga myembro ng New Peoples Army (NPA) Guerilla Front Committee 53.

Nagtamo ng walong tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan ang biktima kaya agad itong binawian ng buhay.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Magpet PNP sa pamamaril patay sa magsasaka.