TACLOBAN CITY – Kritikal ang kondisyon ngayon ng isang magsasaka matapos barilin ng riding in tandem suspeks sa Brgy. Luwan, Dulag, Leyte.
Kinilala ang biktima na si Wilfredo Cadayung, 55, presidente ng Farmer’s Association ng Brgy. San Jose at residente ng nasabing lugar.
Ayon kay Maj. Margarito Salaño, tagapagsalita ng Leyte Police Provincial Office (LPPO), kasama ng biktima ang kanyang asawa sakay sa isang single na motorsiklo nang bigla na lang itong pagbabarilin ng riding in tandem na sinusundan sila.
Nagtamo ng tama sa ulo ang biktima na sa ngayon ay nananatili pa ospital samantala nakapagtamo rin ng injury sa katawan ang asawa nito.
Sa ngayon ay patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng mga kapulisan kung may kinalaman sa pagiging presidente ng farmer’s association ang biktima na naging dahilan sa nasabing insidente.