-- Advertisements --
ROXAS CITY – Bangkay na ng matagpuan ang 49-anyos na magsasaka na inanod ng tubig sa Taning river, Barangay Cabug Cabug, President Roxas, Capiz.
Sa interview ng Bombo Radyo Roxas kay Police Major Rachel Garnica, hepe ng President Roxas PNP, sinabi nitong natagpuan ang biktima na si Alyas Kulas matapos sumabit ang damit nito sa kawayan sa ilog.
Matandaan na inanod ng malakas na current ng tubig ang biktima noong Huwebes matapos tumawid ng ilog para kunin ang alagang kalabaw.
Sa ngayon ay nasa punerarya na ang bangkay ni Alyas Kulas.