-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Personal na alitan ang natatanaw ng mga otoridad na motibo sa pamamaril patay sa isang magsasaka sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakilala ang biktima na si Mael Tago,40 anyos at residente ng Brgy Poblacion 2 Shariff Aguak Maguindanao.

Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director Colonel Arnold Santiago na naliligo lamang ang biktima sa likod ng kanyang tahanan ng itoy biglang lapitan ng dalawang hindi kilalang suspek at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek lulan sa isang motorsiklo patungo sa liblib na lugar sa bayan ng Shariff Aguak.

Nagtamo ng maraming tama ng bala sa kanyang katawan ang biktima kaya agad itong binawian ng buhay.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Shariff Aguak PNP sa pamamaslang sa biktima.