CAUAYAN CITY -Dinakip ang isang magsasaka sa matapos masamsaman ng Baril at Granada sa Purok Uno, Barangay Sta. Cruz, Echague, Isabela.
ang pinaghihinalaan ay si Michael Bartolome, 34 anyos, may-asawa, magsasaka at residente ng nabanggit na lugar.
Batay sa ulat ng mga awtoridad, inilatag ang OPLAN Paglalansag Omega laban kay Bartolome dahil sa paglabag sa Republic Act 10591 (Illegal Possession of Firearms).
Sa pinagsanib na pwersa ng CIDG Santiago City Field Unit, Echague Municipal Police Station, Regional Intelligence Unit ,Provincial Intelligence Unit at 3rd Platoon 2nd Isabela Provincial Mobile Force Company ay isinilbi kay BArtolome ang isang search warrant na ipinalabas ni Judge Anastacio Anghad, Executive Judge ng Santiago City Branch 36.
Nasamsam sa sa bahay ni Bartolome ang isang unit ng M-10 sub machine gun, isang Magazine na may dalawang bala, Isang hand grenade at itim na sling bag.
Dinala na si Bartolome sa Echague Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon habang inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Illegal possession of firearms at Republic Act 9561 o illegal possession of explosive device).