-- Advertisements --

BAGUIO CITY—Hiningi ng mga magsasaka sa probinsya ng Benguet sa mga kandidato ng pagka-gobernador sa probinsya ang pagbibigay nila ng assistance o tulong sa mga ito pagkatapos na tumama ang dalawang bagyo sa nakaraang buwan na sumira sa mga pananim ng mga ito.

Iginiit nila na wala pa silang natatanggap na tulong mula sa gobyerno.

Sa naganap na Debate sa Bombo, ipinaliwanag ni incumbent governor Cresensio Pacalso na dapat na maberipika ang mga reports na tinatanggap nila tungkol sa mga nasirang produkto ng mga magsasaka.

Sinabi niya na pagkatapos ng beripikasyon ay ipabalita nila sa central office dahil magtatagal ng apat hanggang anim na buwan ang bidding process ng mga materyales kayat nagbigay sila ng cash bilang tulong para sa mga magsasaka para sila mismo ang bibili ng mga kakailanganin nila sa pagsasaka.

Samantala, sinabi ni Dr. Melchor Diclas na isa sa mga plataporma nito ay ang pagbibigay tulong sa mga magsasaka na apektado sa kalamidad.
Aniya, dapat na bumuo ang gobyerno ng stock system at magbigay ng calamity fund sa mga magsasaka para may mga nakahandang tulong sa anumang sakuna.

Ipinaliwanag naman ni Bishop Alexander Tadina na kailangan na mahigpitan ang sisterhood sa mga bayan ng sa probinsya ng Benguet para sa pagtutulungan ng bawat isa sa panahon ng kalamidad.