-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO-Abot sa tatlong daan at limang magsasaka ng mais ang tumanggap ng corn seeds at rodenticides mula sa lalawigan at sa LGU-Kabacan Cotabato.
Ito’y kasunod ng mga napaulat na pag atake ng daga sa kanilang taniman at naberepika nga ito na abot sa mahigit kumulang isang daang ektarya ang mula sa dalawang barangay ng Pisan at Bangilan ang inatake nga ng daga.
Samantala, maliban sa dalawang barangay inaasikaso na rin ng Mun. Agriculture Office ang datos na mayroon ding pag atake sa Brgy. Simone at Nangaan. Sa ngayon, mas mataas ang kaso ng infestation sa mais kesa sa palay na nagpapasalamat din si Kabacan Mayor Herlo P. Guzman, Jr. sa mabilis na responde ng tanggapan at sa mga ka-unlad na mabilis magpahayag ng problema.