LEGAZPI CITY – Inihahanda na ang kasong kakaharapin ng mga suspek sa pananaga sa isang magsasaka na nagresulta sa pagkamatay nito sa Sitio Inanayan, Purok 5, Brgy. Taloto, Camalig, Albay.
Kinilala ang biktima na si Allan Navarro, 41-anyos na residente ng naturang lugar.
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng Camalig Municipal Police Station na magpapastol sana ng baka ang biktima kasama ang 16-anyos na anak na lalaki ng abangan ng mga suspek.
Ayon sa menot de edad na anak ng biktima, pinagpapalo, sinuntok at tinaga umano ang kaniyang ama na nagresulta sa pagkamatay nito.
Mapalad naman na nakatakbo ito subalit nagtamo rin ng sugat mula sa pananaga kaya halos humiwalay na ang ulo sa katawan.
Positibong itinuroi ng testigo ang mga suspek na sina Aljon Mancera, 27; Abelardo Mancera alyas “Albino Mancera”, 45 na residente ng Purok 9, Brgy. Tagas sa bayan ng Daraga at Domingo Mancera alyas “Atot Mancera” na residente ng Brgy. Panoypoy sa Camalig.
Samantala, nagtungo naman sa hepatura ng pulis sina Abelardo at Aljon dala ang 60 cm na itak na ginamit umano sa krimen.
Pinaghahanap naman ngayon ng kapulisan si Domingo na agad na tumakas ng aarestuhin na sana ng mga otoridad.