-- Advertisements --

ROXAS CITY – Dead on arrival sa ospital ang magsasaka matapos barilin ng punong barangay bandang 11:50 kagabi, sa Barangay Carataya, Maayon, Capiz.

Kinilala ang namatay na si Edwin Tabo-Tabo, 45 na taong gulang habang ang suspek ang kinilala na si Punong Barangay Mario Bornales, 49 na taong gulang, bayaw ng biktima, pawang mga residente ng nasabing lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo Roxas kay PMaj. Syril Punzalan, hepe ng Maayon Municipal Police Station, lumalabas sa imbestigasyon na habang nasa labas ng bahay ang biktima dumating ang suspek upang kumprontahin ito ukol sa di umano’y pinutol na dalawang puno ng narra.

Sinasabing may nangyari hindi pagkaka-unawaan sa gitna nga dalawa.

Dahil dito, mabilis na binaril ng kapitan sa kanang balikat ang biktima at mabilis na tumakas.

Dinala naman sa ospital si Tabo-tabo apang binawian ito ng buhay.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang hot pursuit operation.

Magsasaka patay matapos barilin ng Punong Barangay sa bayan ng Maayon, Capiz
Unread post by bomboroxas » Mon Mar 04, 2024 1:22 pm