-- Advertisements --

Nadakip na ng mga kapulisan si Jason Dilamata, isa mula sa anim na mga suspek sa kasong pagpatay ng isang 46 anyos na magsasaka na si Jorge Santurina Silangan Sr., mula sa Brgy. Mayabon, Zamboanguita, Negros Oriental.

Sa panayam ng Star fm Cebu kay PCMS Richard Encontad, sinabi pa umano ng anak ng biktima na kasama ni Jorge Santurina Silangan Sr. na bigla na lang pinaputukan ng baril ng mga killer ang kanyang ama sa Sitio Binondo, Brgy. Napacao, Siaton, Negros Oriental .

Nagtamo ng matinding sugat sa bandang dibdib ang sugarcane farmer at sa iba pang bahagi ng katawan nito matapos itong pagbabarilin. Pagkatapos ay sinaksak pa ito at tinaga na naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.

Narekober mula sa pinangyarihan ng krimen ang isang fired cartridge na Cal. 5.56 mm o isang bala na ginamit sa isang armalite rifle.

Napag-alaman na personal grudge o paghihiganti umano ang sanhi ng pagpatay.

Samantala, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng polisya sa ilan pang sangkot sa kasong pagpatay.