-- Advertisements --

LAOAG CITY – Away sa lupa ang tinitignang anggulo ng mga otoridad sa pagbarreta ng isang magsasaka sa kapwa niya magsasaka na ikinamatay ng biktima sa Barangay Talingaan dito sa Lungsod ng Laoag.

Nakilala ang biktima na si Mr. Orlando Felix habang ang suspek ay si Romulo Pascual, parehong residente sa nasabing barangay.

Ayon sa isang testigo na si Alwyn Domingo, nagkasalubong ang dalawa sa sakahan at dito na umano binarreta ng suspek ang mukha ng biktima.

Dahil dito, halos nadurog ang buong mukha ng biktima at lumuwa ang dalawa nitong mata.

Ayon naman kay Doctor Rodrigo Catcatan, dahil sa sobrang pagbarreta sa mukha ng biktima at natamaan pa nag kanyang utak na dahilan ng agarang pagkamatay ng biktima.

Napag-alaman na ilang beses nang nag-away nag biktima at suspek dahil umano sa isyu sa lupa.

Boluntaryong sumuko sa mga otoridad ang suspek matapos ang insidente.