-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang isang magsasaka nang makuryente sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang nasawi na si Mustapha Galo,43 anyos,may asawa at residente ng Barangay Balatican Pikit Cotabato.

Ayon kay Pikit Chief of Police Major Maxim Peralta na hila-hila umano ng biktima ang kanyang alagang kalabaw papauwi sa kanilang tahanan kasabay ng malakas na buhos ng ulan at hangin.

Pagsapit ni Galo sa likurang bahagi ng kanilang tahanan ay may isang live wire na bumagsak mula sa linya ng kuryente

Aksidente nahawakan ng biktima ang live wire hanggang sa tumilapon at nawalan ng malay tao.

Agad dinala ng mga kamag-anak ang biktima sa pagamutan ngunit hindi na ito umabot ng buhay.

Nagpaalala naman si Pikit Mayor Sumulong Sultan sa mga residente na mag-ingat lalo na ngayong tag-ulan sa mga kawad ng kuryente at ibang saguna.