-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Patay ang isang magsasaka matapos tuklawin ng ahas sa San Mateo, Isabela

Ang biktima ay si Samuel Limo, 52-anyos, at residente ng barangay San Antonio.

Nagtungo umano sa bukid ang biktima at doon tinuklaw ng makamandag na ahas.

Agad namang umuwi ang biktima at nagpatulong sa mga kamag-anak na dalhin sa ospital.

Dinala siya sa ospital subalit binawian din ng buhay dahil kumalat na ang kamandag ng ahas sa kanyang katawan.