-- Advertisements --

ROXAS CITY – Patay ang isang magsasaka matapos pagbabarilin ng Barangay konsehal sa Barangay Canapian, Maayon, Capiz.

Kinilala ang biktima na si Freddie Mor Lucas, 27 taong gulang at residente ng nasabing na lugar.

Ang suspek ang kinilala na si Virgilio Descalzota, isang Barangay official.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Maayon PNP, nanggaling sa tindahan ang biktima kasama ang pinsan nito at papauwi na sana sa kanilang bahay, ng biglang dumaan ang suspek.

Nagulat na lang ang mga residente ng makarinig ng putok ng baril at natagpuan na nakahandusay na ang biktima na may tama ng bala sa likod at tagiliran.

Lumalabas sa imbestigasyon ng kapulisan na nagawa ng suspek ang krimen dahil sa kalasingan.

Gayunpaman, ayon sa mga kapulisan ay nakipag-ugnayan na ang suspek sa kanila at inaasahang susuko ito.