LEGAZPI CITY — Patay ang 65-anyos na magsasaka matapos na suntukin mukha ng isang magkakarne dahil sa away sa sabong Barangay San Roque, Jovellar, Albay.
Kinilala ang biktima na si Fernando Osia ng Quinuartilan, Camalig habang ang suspek ay si Alex Motas ng San Vicente, Jovellar.
Batay sa report ng Jovellar PNP, ikinuwento ng anak ng biktima na si Boyet ang pangyayari kung saan sinuntok umano ng suspek ang ama sa baba kung kaya bumagsak ito at nauna ang ulo.
Aksidente umanong tumama ang ulo sa ugat ng puno na nagresulta sa head injury at upang mawalan ito ng malay.
Binawian naman ng buhay si Osia habang ginagamot sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital.
Napag-alamang ang hindi pagkakaintindihan sa taya sa sabong ang ugat sa insidente.
Sa ngayon, patuloy na hinahanap ng mga otoridad ang suspek na tumakas matapos ang krimen.