-- Advertisements --

LAOAG CITY – Patay ang isang magsasaka matapos tamaan ng kidlat sa Barangay Sta. Maria, Piddig, Ilocos Norte.

Ito ang kinumpirma ni Police Captain Granduer Tangonan, ang chief of police ng PNP-Piddig.

Nakilala ang biktima na si Danilo Andres Jr., nasa tamang edad at residente sa naturang barangay.

Ayon kay Tangonan, nalaman lamang nila ang pangyayari sa Bombo Radyo dagil hindi umano inireport ng mga opisyal sa barangay.

Sinabi nito na nang puntahan na nila ang biktima para sa mag-imbestiga ay nasa morgue na ito ng Piddig District Hospital.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad para malaman kung ano at paano ito nangyari.