-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Patay ang isang magsasaka nang mabangga ng prime mover truck sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Nilo Paglinawan, nasa hustong gulang na taga Brgy Leboce, Makilala Cotabato.

Ayon sa ulat ng Mlang PNP na papauwi na sana ang biktima sa kanyang tahanan galing sa birthday ng kanyang anak ngunit pagsapit nito sa Purok 2-A Brgy Pag-asa Mlang, Cotabato ay bigla itong binangga ng kasunod na prime mover truck.

Hindi umano napansin ng driver ng prime mover truck ang motorsiklo ng biktima kaya’t nabundol niya ito.

Patay on the spot ang magsasaka nang maipit ng trak at nagkalasog-lasog ang katawan.

Dahil sa takot, tumakas naman ang driver at ang pahinante ng prime mover truck.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Mlang PNP sa naturang aksidente.