-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang isang magsasaka nang mahulog sa irrigation canal sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Roberto Saligumba Cabacang Jr., 35-anyos, may live-in partner, magsasaka na residente ng Purok 1, Barangay Central Glad, Midsayap, Cotabato.

Ayon sa ulat ng pulisya lasing umanong umuwi ang biktima sakay ng kanyang bisiklita at aksidenteng nahulog sa NIA Irrigation canal sa Brgy. Central Bulanan, Midsayap, Cotabato.

Wala ng buhay ng makita ng mga residente ang magsasaka sa drop canal ng NIA irrigation canal

Sa imbestigasyon ng Midsayap PNP,tumama ang ulo ni Cabacang sa sementadong bahagi ng drop canal kung kayat nawalan ito ng malay at nalunod.

Wala namang nakikitang foul play ang mga otoridad hinggil sa naturang pangyayari.