-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Patay ang isang magsasaka nang maipit sa engkwentro ng dalawang Moro Fronts sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang nasawi na si Nasser Sagubakan Batuwag,25 anyos at residente ng Sitio Sawa Barangay Dalingaoen Pikit Cotabato.

Ayon kay Pikit Chief of Police Lieutenant Colonel John Miridel Calinga na nagkasagupa ang grupo nina Kumander Gampong ng 105th Base Command ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Kumander Wali ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa Barangay Balatican Pikit Cotabato.

Dahil sa tindi ng engkwentro ay tinamaan ng mga ligaw na bala ang magsasaka at binawian ng buhay.

Agad namang nagresponde ang mga otoridad kung saan nailigtas nito ang mga estudyante at guro ng Sr. Malao Elementary School sa Sitio Malao, Brgy Dalingaoen, Pikit, Cotabato, isang kilometro mula sa lugar ng bakbakan.

Personal na alitan o rido ang ugat ng engkwentro na patuloy na inaayos ng LGU Pikit katuwang ang MILF,MNLF,PNP at AFP.