-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Binawian ng buhay ang isang lalaki sa pamamaril sa Antipas Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Dario Pamplona, 39 anyos, may asawa,magsasaka at residente ng Barangay Bangbang Antipas Cotabato.

Ayon sa ulat ng Antipas Municipal Police Station (MPS) na lulan ang biktima sa kanyang motorsiklo mula sa kanyang tahanan patungo sa Brgy Poblacion Antipas Cotabato nang abangan ng dalawang hindi kilalang suspek at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 nga pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek patungo sa direksyon ng President Roxas Cotabato.

Patay on the spot ang biktima nang magtamo ng apat na tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan.

Sa ngayon ay blangko pa ang Antipas PNP sa motibo sa pamamaril patay sa biktima at patuloy pa silang nag-iimbestiga.