CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang isang magsasaka sa pamamaril sa lalawigan ng Maguindanao Del Sur.
Nakilala ang biktima na si Sentro Omar,40 anyos,may asawa at residente ng Barangay Lambayao Guindulungan Maguindanao Del Sur.
Ayon kay Guindulungan Chief of Police Captain Albert Carillo na abala ang biktima sa kanyang niyugan sa Sitio Labu Barangay Lambayao nang biglang dumating ang mga hindi kilalang armadong kalalakihan at itoy pinagbabaril gamit ang M16 Armalite rifles.
Mabilis namang tumakas ang mga suspek patungo sa liblib na lugar sa bayan ng Guindulungan.
Agad binawian ng buhay ang biktima matapos magtamo ng maraming tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan.
Awayan sa lupa ang natatanaw na motibo ng mga otoridad sa pamamaril patay sa biktima na patuloy nilang iniimbestigahan.