-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Binawian ng buhay ang isang magsasaka sa pamamaril sa dakong alas-7:40 nitong gabi ng Huwebes sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Jessril Nobia Dela Cruz, 30, may asawa at residente ng Barangay Tumbras, Midsayap, Cotabato.

Ayon kay Midsayap chief of police Lt. Col. Rolly Oranza na sakay ng kanyang bisiklita ang biktima papuntang Brgy Central Glad para puntahan ang kanyang asawa.

Ngunit pagsapit ni Dela Cruz sa bahagi ng Makar Highway sa Purok 1 Rose A, Barangay Nes, Midsayap, Cotabato ay bigla itong dinikitan ng riding in tandem suspects at pinagbabaril gamit ang kalibre .45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek patungong town proper sa bayan ng Midsayap.

Naisugod pa ang biktima sa pagamutan ngunit binawian rin ito ng buhay nang magtamo ng tatlong tama ng bala sa kanyang katawan.

Sa ngayon ay blangko pa ang Midsayap PNP sa motibo sa pamamaril patay sa biktima at patuloy pa silang nag-iimbestiga.