-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang isang magsasaka nang matuklaw ng King Cobra sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Marcelino Rodriguez, 57 anyos, may asawa at residente ng Barangay Paraiso Tulunan Cotabato.

Ayon sa mga kamag-anak ng biktima na habang naglilinis ito sa isang rubber plantation ay bigla itong tinuklaw ng makamandag na ahas na King Cobra o banakon sa paa.

Dahil sa layo ng lugar at hirap na daanan ay hindi na umabot ng buhay ang magsasaka sa pagamutan.

Matatandaan na marami na ang nasawi sa tuklaw ng banakon sa probinsya ng Cotabato lalo na yong nakatira sa paanan ng mount Apo.

Maraming mga King Cobra na rin ang napatay ng mga residente sa North Cotabato.