-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Hustisya ang sigaw ng pamilya Jumawan matapos pagbabarilin-patay ng mga rumesponding pulis ang magsasakang si Danilo Jumawan, 49-anyos at residente ng Purok 2 Brgy. Poblacion, Bayugan City, Agusan del Sur.

Ayon sa inisyal na impormasyon, pabalik-balik na naglalakad ang biktima sa may Purok 3, Libre St., Brgy. Taglatawan, bitbit ang itak matapos itong akusahang tulisan kung kaya’t may tumawag ng police assistance.

Paulit-ulit umano itong hinikayat ng mga pulis na ibaba ang dala-dala nitong itak ngunit nagmamatigas umano ito isa-isang hinarap ang mga pulis kung kaya’t binaril ito sa iba’t ibang parte ng katawan sanhi ng kanyang agarang kamatayan.

Napuno ngayon ng batikos ang mga rumesponding pulis dahil maaari umanong sa paa na lamang ito binaril upang ma-neutralize sanhi ng pagpalag ng kanyang pamilya.