-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Tukoy na ng mga otoridad ang mga suspek na namaril patay sa isang magsasaka sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Proferio Camino Campollo,38 anyos,may asawa at residente ng Brgy Baliki Midsayap North Cotabato.

Ayon kay Midsayap c hief of Police, Lieutenant Colonel Benito Rotia na habang nagbabantay ang biktima sa kanyang tindahan sa harap ng tahanan nito nang biglang dumating ang riding in tandem suspects at pinagbabaril ito gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek patungo sa liblib na lugar sa hangganan ng Midsayap at Aleosan Cotabato.

Agad dinala ang biktima sa Aleosan District Hospital ngunit dineklara ito ng mga doktor na dead on arrival.

Nagtamo ng sugat sa pisngi at dibdib si Campollo kaya agad itong binawian ng buhay.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Midsayap PNP sa pamamaril patay sa biktima.