-- Advertisements --

CENTRAL Mindanao – Binawian ng buhay ang isang magsasaka sa pamamaril kagabi sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima si Emilio”Dodoy” Layaguin. residente ng Barangay Luna Norte, Makilala, Cotabato.

Ayon sa ulat ng Makilala PNP na pinasok ng dalawang hindi kilalang suspek ang tahanan ng biktima at pinagbabaril gamit ang ka libre .45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo.

Agad binawian ng buhay ang biktima nang magtamo ng maraming tama ng bala sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.

Sa ngayon ay blangko pa ang Makilala PNP sa motibo sa pamamaril patay sa biktima at patuloy pa silang nag-iimbestiga.