-- Advertisements --

DAVAO CITY – Itinanghal bilang asia trail master ang isang 31 years old na magsasaka na trail Runner ng Kapatagan, Digos City, Davao del Sur. Ito’y matapos na matalo ang mahigit isang daang mga trail runner kasama ang 50 na foreigners sa 75km race sa isinagawang Mt. Apo Sky race.

Sa facebook page ng event organizer nga Trail Master, inanunsyon ang pagkapanalo ni Arnie Macaneras na natapos ang 75km race sa loob lang siyam na oras. Halos nasa 20 minutes lang ang layo sa kanya ng Malaysian Trail Runner na si Milton Amat at iba pang foreign national.

Napabilib ang mga dayuhan sa stamina at bilis ng kanyang pagtakbo, dahil kahit na nilakasan ni Amat ang takbo, hindi nito nakayanang malagpasan ang takbo ni Macaneras. Sa kakatapos lang na Mt. Apo Sky race, si Arnie Macaneras ang itinanghal na bagong asia trail master at siyang magrerepresenta sa bansa para sa susunod na Philtra Championship sa ibang bansa.