-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Labas ang bituka ng isang magsasaka nang suwagin ng alagang kalabaw sa lalawigan ng Maguindanao Del Sur.

Nakilala ang biktima na si Kaharodin Mamaidu,22 anyos,binata at residente ng Barangay Tuka Mamasapano Maguindanao Del Sur.

Ayon sa pamilya, galing sa sakahan si Kaharodin hila-hila ang kanyang kalabaw papauwi na ng kanyang tahanan.

Bigla umanong nag-alburuto ang kalabaw at sinuwag ng ilang beses sa tiyan ang magsasaka.

Agad namang natulungan ng ilang magsasaka ang biktima at iniligtas ito sa nagwawalang kalabaw.

Dinala ang biktima sa Maguindanao Provincial Hospital at agad inoperahan dahil lumabas ang bituka nito matapos ilang beses na sinuwag ng kanyang alagang kalabaw.