-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Patay na ng matagpuan ang isang lalake matapos itong pagsasaksakin ng kaniyang kapwa magsasaka sa Brgy. Palao, Libungan, Cotabato.

Kinilala ang biktima na isang nagngangalang Jessie Vicente, 32-anyos, isang magsasaka na residente ng Brgy. Ilbocean, Midsayap, Cotabato habang ang suspek naman ay nakilalang si Bobby Flores.

Ayon sa ulat ng Libungan PNP na nag-iinuman lamang si Jessie at Bobby nang magkaroon ang mga ito ng pagtatalo na nauwi sa pananaga ng suspek sa biktima.

Matapos nagawa ang krimen ay mismong ang suspek pa ang nagsumbong sa kanilang Brgy. Kapitan upang i-ulat ang umano’y nakitang bangkay malapit sa kanilang tahanan.

Ngunit sa pagsisiyasat ng mga pulis, napag-alaman na si Flores ang huling nakasama ni Vicente bago ito natagpuang patay.

Kinalaunan ay inamin din ng suspek na siya ang may gawa ng krimen.

Hindi na naisugod pa si Vicente sa pagamutan dahil sa tinamo nitong saksak sa leeg.

Sa ngayon ay nakapiit na ang suspek sa costudial facility ng Libungan MPS at sinampahan ng kasong pagpatay.