-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Malubhang nasugatan ang isang magsasaka nang masabugan ng bomba sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakilala ang biktima na si Ricky Kulintang Biang,44 anyos,may asawa at residente ng Purok 2 Brgy Saniag Ampatuan Maguindanao.

Ayon sa ulat ng Ampatuan PNP na maghahatid lamang sana ng pagkain ang biktima sa kanyang pamilya sa sakahan nito ng biglang masabugan ng hindi matiyak na bomba.

Nagtamo ng maraming sugat ang biktima sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan at agad dinala ng kanyang mga kamag-anak sa Maguindanao Provincial Hospital.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Ampatuan PNP sa naturang pangyayari.