-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Isang magsasaka ang inanod ng baha sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Renante Ambahan na residente ng Purok 1-B Barangay Tuael President Roxas Cotabato.

Ayon sa ulat ng President Roxas MDRRMO na pilit na tinawid ng biktima ang Kabacan River para makauwi sa kanilang bahay.

Dahil sa rumaragasang baha ay tinangay ang biktima at hanggang ngayon ay hindi pa nakikita.

Agad namang kumilos ang mga kawani ng MDRRMO at patuloy na pinaghahanap ang biktima.

Sa ngayon ay nakakaranas ng malakas na buhos ng ulan ang bahagi ng Mindanao dulot ng sama ng panahon.

Nananawagan naman ang lokal na pamahalaan ng probinsya sa mga nakatira sa gilid ng ilog na mag-ingat sa baha at pagguho ng lupa.