-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Inilatag ni Agriculture Secretary William Dar ang mga plano ng ahensya bilang tulong sa mga magsasaka na apektado ng pagbaba ng presyo ng palay kasunod ng pagpapatupad ng Rice Tarrification Law.

Sa pagbisita ni Sec. Dar sa Legazpi City, inihayag nito na nakikipag-ugnayan na umano ang ahensya sa mga kooperatiba upang bumili ng palay bilang tulong sa mga lokal na magsasaka, maliban pa sa pagbili ng National Food Authority (NFA).

Nabatid na nasa 26 ng mga kooperatiba ang regular ng bumibili ng mga produktong palay sa mga magsasaka mula sa ibang mga lalawigan.

Maliban dito, target din ng DA na magpatayo pa ng mga dryer at warehouse na magagamit ng mga magsasaka para sa kanilang palay subalit naghahanap pa ng pondo.

Maalalang mula ng maipatupad ang Rice Tarrification law na pumapayag sa unlimited import ng bigas mula sa ibang bansa ay bumaba na ang presyo ng kada kilo ng palay ng hanggang sa P9.