-- Advertisements --
CAUAYAN CITY – Inaresto ng mga kasapi ng Echague Police Station ang isang magsasaka na nahaharap sa kasong four counts of rape sa barangay Nilumisu, Echague, Isabela.
Ang dinakip ay si Bernabe Gammad, 40 anyos, may-asawa, magsasaka at residente ng nabanggit na barangay.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, ang suspek ay dinakip ng mga kasapi ng Echague Police Station matapos isilbi sa kanya ang warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Bonifacio Ong ng RTC Echague.
Walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang paglaya ni Gammad.
Dinala sa himpilan ng pulisya ang suspek para sa kaukulang disposisyon bago ipasakamay sa court of origin.