-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Dinakip ng mga kasapi ng Cauayan City Police Station ang isang lalaki dahil sa kinakaharap na patung-patong na kasong rape.

Kinilala ang dinakip na si James Dalog, 29, magsasaka at residente ng Guilingan, Benito Soliven, Isabela.

Hinuli ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Raul Babaran ng Regional Trial Court Branch 19 Cauayan City dahil sa kasong panggagahasa.

Kabuuang P300,000 ang kailangang ilagak na piyansa ni Dalog para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Dinala sa himpilan ng pulisya ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin.