-- Advertisements --
CAUAYAN CITY- Dinakip ng mga kasapi ng Tumauini Police Station ang isang magsasaka na nagpaputok ng baril sa Lapogan, Tumauini, Isabela.
Ang suspek ay si Leonardo Torres, 39 anyos at residente ng nasabing lugar.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan nakatanggap umano ng tawag ang Tumauini Police Station mula sa isang concerned citizen kaugnay sa pagpapaputok ng suspek sa kanilang lugar.
Kagad tumugon ang mga pulis at nadatnan nila ang suspek na nasa pangangalaga na ng mga opisyal ng barangay.
Nasamsam mula sa suspek ang isang 9mm na baril na ginamit sa pagpapaputok.
Pansamantalang nasa pangangalaga na ng Tumauini Police Station ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.