DAVAO CITY – Boluntaryong sumuko sa mga otordad ang 56 anyos na magsasaka sa probinsiya sa Davao del Sur na isa sa mga naka-benepisyo sa GCTA o Good Conduct Time Allowance.
Si Rosalito Abria, nakatira sa Purok Tres Barangay Kanapulo, Magsaysay, Davao del Sur ang nakapag-silbi na ng 20 mula sa 40 taong senstensiya nito sa kanyang kasong 3 counts of murder sa Davao Penal Farms and colony.
Inihayag ni Police Major Butch Gulucan, company commander sa 2nd provincial mobile force company nga naka-base sa Davao del sur, nakalabas ng bilangguan si Abria noon pang December 21, 2018 matapos pinirmahan ni dating Burueau of Corrections BuCor Chief Nicanor Faeldon.
Sa ngayong on-process na ang mga dokumento ni Abria para sa madaliang pag-turn over nito pabalik ng Dapecol.
Inihayag naman ni Gulucan na sa ngayon, wala pa silang listahan sa mga taga Davao del Sur na naka-avail ng GCTA, pero siniguro nito na naka-handa sila na tanggapin ang mga ito at idaan sa tamang proseso.