-- Advertisements --

LAOAG CITY – Kinumpirma ni Provincial Agriculturist Norma Lagmay na kapag nakatanggap ang mga magsasaka ng Rice Farmers Financial Assistance (RFFA) ay puwede rin silang maging benipisyaryo ng Social Amelioration Program (SAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) kung kuwalipikado.

Ayon kay Lagmay, ang mga nakatanggap at tatanggap na magsasaka ay ang mga naapektuhan ng Rice Tarrification Law at benipisyaryo na sila noong wala pa ang Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Ibig sabihin aniya ay puwedeng tumanggap ang mga ito sa dalawang ayuda na ibibigay ng dalawang ahensiya.

Sinabi pa nitong kahit propesyunal ang mga asawa ng mga magsasaka at kuwalipikado naman sa RFFA ay wala itong problema dahil kahit mayroon at wala ang pandemic ay mabibigyan pa rin sila.

Hinggil dito, sinabi pa nito na base sa datos nila ay may 19,000 magsasaka sa lalawigan na nakatanggap na ng P5,000.