Mahigpit na nagbabala ngayon ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga negosyanteng nagsasamantala sa panahon ng kalamidad dala ng pag-aalburuto ng bulkang Taal.
Ayon sa statement ng DTI, nakarating na ang impormasyon sa kanila na merong umanong mga retailers ang nagtaas na ng presyo ng mga nabibiling face masks at gas masks.
May mga lugar daw kasi nagkaubusan ng ganitong produkto matapos lumutang ang balita mula sa mga otoridad na may mga lugar sa CALABARZON area ang inabot na rin ng abo mula sa ibinuga ng bulkan kahapon.
Nagbanta pa ang DTI na nag-dispatch na sila ng mga teams upang i-monitor ang presyuhan ng ganitong uri ng mga produkto.
“DTI will not hesistate to file administrative and criminal charges againts unscrupulous business entities and individuals who capitalize on the consumers’ urgent need for their own profit,” bahagi pa ng statement ng DTI.