-- Advertisements --
Nakahanda ang laban ni Filipino boxer Mark Magsayo laban kay Brandon Figueroa.
Maghaharap ang dalawa sa featherweight limit na 126 pounds na gaganapin sa California sa Marso 5 oras sa Pilipinas.
Sa ginanap na weight-in ay nakuha ni Figueroa ang tamang timbang na 125 and 3/4 pounds habang si Magsayo ay sumobra sa 126.8 lbs limit.
Dahil dito ay binigyan siya ng WBC ng dalawang oras para magbawas at matapos ng 2 oras ay nakuha nito ang 126 lbs na limit.
Ang 26-anyos na American boxer na si Figueroa ay mayroong 23 panalo, isang talo, isang draw na mayroong 18 knockouts habang ang 27-anyos na si Magsayo ay mayroong 24 panalo, isang talo at 16 na KO.