-- Advertisements --
Handang harapin ng bagong WBC featherweight champion Mark Magsayo ang sinumang boksingero na magtatangka na kukuha sa kaniyang titulo.
Kasunod ito ng talunin ng 26-anyos na Tagbilaran City, Bohol native ang tinaguriang long reigning titleholder na si Gary Russell Jr sa laban nila na ginanap sa Atlantic City, New Jersey.
Dahil aniya sa pagiging kampeon na nito ay wala na umanong dahilan para umatras.
Magugunitang sinamantala ng Pinoy boxer ang dinaramdam na torn tendon ng American boxer noong 10th round.
Wala pang tugon si Magsayo sa naging hamon ng American boxer na magkaroon sila ng rematch.