-- Advertisements --
Hindi nababahala si Filipino boxer Mark Magsayo sa pagmamaliit sa kaniya ni WBC featherweight champion Gary Russell Jr.
Sinabi nito na ipaparamdam na lamang niya ang suntok ng isang Filipino sa kanilang paghaharap sa araw ng Linggo sa Atlantic City.
Dagdag pa ng Tagbiliran native boxer na magandang isipin na lamang ng American boxer na mahina ito para susurpresahin na lamang niya pagharap sa boxing ring.
Papatunayan niya na hindi siya mabagal at ipapadama nito ang lakas ng kaniyang suntok.